theater

So good, I wathced it twice: Teatro Komunikado’s DELIRYO #TK15thAnniversay

I don’t know how to give a review without giving out spoilers. Though I the chances for a re-run is quite unsure for me, I’ll still keep my mouth shut.

One of the most exciting things about this play is that no one knows what it’s about. Every time I ask a member, they say the same thing; “Mental illness.” That’s all.

We never overhear them rehearsing, we don’t see them practicing their blocking, we didn’t see a prop lying around int he campus. Everything about this project is a secret until A. the day they released the publicity materials and B. the day of the show.

When I came inside the theater, the set up was simple as hell. So I don’t really know what to expect.

First five minutes and BAM! A lot of “Aaaah!”s can be heard from most of the audience. Little did we know that’s not even the half of it. As the plot thickens and emotions gets hyped, we grip tighter to our seats, rooting for Karlo (protagonist(?)) and his… friends.

I’m not kidding or overreacting when I say this; by the end of the play I literally have said “What the fuck” so many times that the girl beside me must be bothered by it. But she didn’t because she gets me.

deliriyo (2).jpg

I like the first run better than the second. Though they’re both really good, I just think that some of the actors from the first one was better in portraying their characters. Sepcially, Ofelia, Osang, and Agatha.

The second run was good. Specially the tech (first run had problems witht he mic). And I love how the alternates made their own version of the character. So I didn’t feel like I’m watching a replay of the play, same story, different attack of the actors.

deliriyo (6).jpg

One touch I really liked was the lights! I loooooove how they incorporated the lights with the characters. And the cue-ing of the changes are flawless. Paired with the music perfectly shifting as the characters enters and exits the stage, they make the vibe of the entire play a character itself that really helped in telling the story.

Hands down to Karlo and Theresa, amazing actors! The best I’ve seen from TK so far. Sad that they’re alumni, I want to see more of them!

All in all, it was one hell of a show and is really worth the hype! 8.5/10

Advertisements

Teatro Komunikado’s MAZKARA FESTIVAL: Ang ikalabingtatlo sa ikalabinglima

Teatro Komunikado is the premiere theater and production organization of the PUP College of Communication. It’s been their annual tradition to present three plays in one night, to celebrate their anniversary; they call it, Mazkara Festival.

Now, on their 13th year, in line with their preparation for their 15th anniversary, they’re presenting MAZKARA FESTIVAL: Ang ikalabingtatlo sa ikalabinglima. Featuring the plays, Ang Kalupi, The World is an Apple and Lotto Ticket.

Throughout the year, TK has shown not only our college, but the entire university that they really make things that are worth talking about. From events they’ve manned to performances that blew our mind, (I mean who can forget their number in our college orientation? Uh-mazing.) to the horror maze, (a literally) blind date booth and “Gabi ng Monologo” The creative juices behind those experiences, well, how could I put it? They did it again!

kalupi

Ang Kalupi

The old tale by Benjamin Pascual brought to life. Amazing ensemble and the one who played “Aling Choleng” seems to have been born for the part. Everything here was flawless from the music (which was perfectly timed) to the props, lights, costume. Everything fell perfectly into place. Kudos!

to kuya gelo: it didn’t look like tdr okay. hahahaha

apple

The World is an Apple

A heavy drama by Alberto Florentino. Perfect casting!! All the feels was put into this play and you can really see that the cast were trained really good to be able to play the characters. I can’t say anything else to this because it’s so amazing. Well, I can say one thing tho, I may or may not have shed a tear just before the lights went out. It’s that good.

lotto

Lotto Ticket

This comedy by Anton Chekov made me (and the everyone in the theater) laugh out loud! For reals! IRL LOL-ing!! (Hahaha.) The set of actors (because there were three shows and some roles got understudies) I got to watch deserves a standing ovation for their spectacular performance.

I love, love, looooooooove the show and they all deserve the praise and fans they’re are getting and so much more. The show was magnificent and colorful. I know that most of the cast are freshmen and they’re all promising. The organization is absolutely going to higher grounds.

Cheers to Teatro Komunikado! Here’s to more awesome projects from you, guys. 🙂

Tatlo Pang Kuwento ni Lola Basyang

          Bakit ba nahuhumaling tayong mga Pilipino sa kuwentong alamat, pabula at kung ano-ano pa? Mga kuwentong bayan na tungkol sa mga dwende, multo, engkanto o diwata. Kahit hindi naman tayo sigurado na totoo ito; namana pa natin ito sa ating kalolo-lolohan. Siguro dahil sa aral na nakapaloob dito. O hindi kaya’y dahil tayo nga’y may pusong bata pa at tayo’y nahuhumaling sa mahika, salamangka at engkantada; mga bagay na nababalot ng misteryo at hiwaga. Pagdating sa mga ganyang bagay, nasa Pilipinas ang reyna sa lahat ng pagkwe-kuwento; hindi siya nauubusan ng panibagong istorya na may mapupulutang aral, siya si Lola Basyang.

            Si Lola Basyang ang hindi tumatandang lola; dahil noong bata pa ang aking sariling lola, lola na niya si Lola Basyang. At ngayon, lola ko na rin siya! Klasiko ang karakter na ito, hindi tumatanda o kasawa-sawa, kasama ng kanyang mga kuwento. Noong nakaraang araw, nakita ko siya! At may handog siyang tatlong kuwento para sa amin. Ang Labindalawang Masasayang Prinsesa, Ang Palasyo ng mga Duwende at Anting-Anting. Ikinuwento niya ito sa amain sa pamamagitan ng dula.

Image

 

(Source)

            Ang kuwento ng labindalawang masasayang prinsesa ay tungkol sa isang hari na may labindalawang anak na babae. Nag-aalala siya dahil baka wala siyang mahanap na labindalawang prinsipe para ipakasal sa kanyang mga anak. Ang hindi alam ng hari ay sa pagsapit ng gabi, sila ay lumalabas ng palasyo at nagsasayaw sa isang hardin. Dito sa hardin na ito naghihintay ang kanilang mga kapares na lalaki para sumayaw. Subalit walang kapares sa pagsayaw ang isa at ito ay si Prinsesa Juana, ang pinakamatanda sa magkakapatid. Pinapanood at binabantayan niya lamang ang kanyang mga kapatid na sumasayaw. Isang gabi, isang prinsipe na nagngangalang Sylvio ang napadaan sa kanilang munting kasiyahan, at agad na nahulog ang loob nito kay Juana.

            Kinabukasan, agad na nagpunta si Prinsipe Sylvio sa palasyo ng mga prinsesa. Nang muling makita ng prinsipe si Juana, naglahad agad ito ng pagmamahal dito, at ganun din naman ang dalaga. Para naman mapatunayan ng prinsipe ang pagmamahal niya sa anak ng hari at maipakita nito na siya ay responsable at mapagkakatiwalaan, inatasan siya ng hari na banatayan ang magkakapatid at ilayo mula sa kapahamakan.

            Ngunit sa tuwing matutulog na ang lahat, may ipinapainom ang mga prinsesa sa kanilang mayor doma  upang makatulog ng mahimbing. Para sila ay makalabas ng kuwarto at magsayaw  muli para sa kanilang kaligayahan. At sa pagkakataong ito, kailangan din nilang patulugin si Sylvio. Subalit, may lumapit na isang matandang babae at binigyan nito ang prinsipe ng isang pagkain para kontrahin ang pampatulog at mahiwagang balabal para maitago nito ang kanyang sarili.

            Kinagabihan, kinain nga ni Sylvio ang ibinigay ng matanda. Pinagpasa-pasahan naman ng labindalawang prinsesa ang bote para mapainom ang prinsipe ng pampatulog. Aba! Totoo nga ang sabi ng matanda, hindi siya naka-tulog at nasundan niyang muli ang mga prinsesa sa hardin para magsayaw. Pumitas siya ng bunga mula sa isang puno para may maipakita siyang pruweba sa hari at umalis. Nagpunta siya sa palasyo para isama ang hari at ang mayor doma papunta sa lugar ng kasiyahan ng mga prinsesa. Laking gulat ng dalawa nang makita nila ang mga prinsipeng kasayaw ng mga prinsesa.

            Matapos ang lahat, ipinaubaya na ng hari ang mga prinsesa sa mga kapares nilang sumayaw upang maging asawa at si Prinsesa Juana naman ay ipinakasal kay Prinsipe Sylvio. At mula noon, namuhay na sila ng masaya.

            Ang unang kuwento ay nakapaloob sa pag-ibig. Pag-ibig ng ama para sa aknyang mga anak at kaharian, pag-ibig ng mga prinsesa sa kanilang kaparehas at ang pag-iibigan ng prinsipe at ni Juana sa isa’t-isa. Ipinapakita dito na kung iniibig mong tunay ang isang tao ay kaya mong ibigay ang lahat-lahat sa sa kanya. Ano pa mang misyon o hadlang yan. At sa huli, kung kayong dalawa’y tunay na nag-iibigan, makakasama niyo habang buhay ang isa’t-isa.

            Ang pangalawang kwento naman ay pinamagatang “Ang Palasyo ng mga Duwende.” Umiikot ito sa mag-amang nawalan ng ilaw ng tahanan. Nang magpakasal nang muli ang hari, ito ay sa isang matapobreng babae, si Lota. Namasyal ang mag-asawa sandali at walang paligoy-ligoy ay itinulak ni Lota ang hari sa bangin! Pagbalik niya sa kaharian at nagsinugaling siya at sinabing aksidenteng nahulog ang kanyang asawa. Tila nawasak ang puso ni Yani, ang anak ng hari, nang marinig niya ang balita.

            Mula noon, inaalipusta at inaalila na ni Lota at ang kanyang na si Impaya, si Yani dahil wala na naman ang ama nito. At para makuha ng tuluyan ang trono, sinubukan ni Impaya na gawin din ang ginawa ng ina sa nakaraang hari kay Yani, itulak din siya sa bangin. At iyun nga ang ginawa niya.

            Lingid sa kaalaman ni Yani, sa ilalim ng bangin ay ang palasyo ng mga duwende. At nang kanyang alalanin, nahulog din ang kanyang ama sa bangin na ito, kaya maaaring buhay pa siya! Tinanong niya ang mga duwende kung alam ba nila kung nasaan ang kanyang ama. At tama nga ang hinala niya; nang mahulog daw ang hari, may tumulong ditong diwata at ginamot ang kanyang mga sugat. Ngunit may ipinainom itong pampatulog kaya hindi na ito magising. At ang tanging paraan para mabalik ito sa kamalayan ay ang sabuyan ang mukha niya ng tubig na ginamit ng mahiwagang ibon sa kanyang paligo. At meron pa siyang isang misyon, dapat siyang humila ng isang balahibo ng mahiwagang ibon para maalis ang sumpa ng diwata sa kanyang ama.

            Sa tulong ng mga duwende, nakita ni Yani ang ama na naka-higa sa isang kama na inaayos ng diwata. Matapos ang ilang sandali ay nawala din ang diwata. Niyakap ni Yani ang ama ng napaka-higpit dahil gustong-gusto na niyang makasamang muli ang ama. Bigla-bigla namang dumating ang isang napaka gandang ibon at dumapo ito sa kwartong kanilang kinalalagyan. At pagkatapos nito ay nagpunta sa batis upang maligo, sinundan ito ni Yani at sumalok ng tubig gamit ang isang panyo at dali-dali nitong ipinahid sa mukha ng ama. Sa wakas, nagising na ito; pero parang wala parin siyang pakiramdam. Nagbalik and ibon at nagpalipad-lipad sa kuwarto. Sa tulong muli ng mga duwende, sinundan ni Yani, mula sa likod, ang ibon at nang siya’y maka-kuha ng tamang tiyempo, humatak siya ng isang balahibo mula sa buntot nito, at bigla siyang nag-anyong tao! Isa pala itong prinsipe.

            Matapos ang lahat ay itinuro ng mga duwende ang lagusan pabalik sa kaharian nila at nagbalik na ang mag-ama at ang prinsipe sa palasyo, kung saan nagrereyna-reynahan si Lota at Impaya. Nais nang palayasin ng hari ang dalawa mula sa kaharian lalo na nang malaman niya ang ginawa sa anak ngunit pinigilan siya ni Yani dahil napatawad na raw niya ito. Matapos ang kaguluhan sa mag-ina ay nagpa-kasal si Yani sa prinsipe. At mula noon, sila ay namuhay ng mapayapa.

            Sinasabi sa kwentong “Ang Palasyo ng mga Duwende” na kahit anong mangyari hindi dapt tayo mawawalan ng pag-asa. May paraan pa para makamit ang iyong mga inaasam. Tinuturuan din tayo nito na dapat tayong magpakumbaba sa mga taong nangmamaliit sa atin. At dapat rin tayong matutong magpatawad sa mga taong nanakit sa atin dahil may pag-asa pa silang magbago.

            “Anting-Anting” naman ang pamagat ng ikatlo at huling kwento ni Lola Basyang. Ang pangunahing tauhan dito ay si Juan. May gusto siyang babaeng kanyang nais na paibigin, ngunit sa kanilang bayan, kilala siya bilang, madisgrasya, mapag-biro at hindi maaasahan. At ang lalaking iniibig ng babaeng kanyang napupusuan ay matipuno at napaka tapang. Sa bayan nina Juan, pinaniniwalaan na kung ikaw ay may anting-anting, magkakaroon ka ng lakas at tapang na humarap sa kahit ano; ikaw rin daw ay magiging isang matipunong lalaki. Nang malaman ito ni Juan, tumakbo agad siya sa matandang ermitanyo sa kanilang bayan.

            Sa kasawiang palad, sabi ng ermitanyo kay Juan ay naubos at nawala na daw ang mga anting-anting sa kanilang lugar. At kung meron naman, imposible namang makuha ito ng isang tulad niyang mahina ang loob. Nagmakaawa si Juan sa matandang ermitanyo upang tulungan siyang maghanap pa ng isa para makuha na niya ang babaeng kanyang napupusuan. Noong una ay mapilit si Juan at sa huli ay tila baga’y pinapaalis na siya ng ermitanyo. Ngunit napilit niya rin ang matanda at ibinigay na nga nito ang gagawin para makakuha ng anting-anting.

            Sinunod nga ni Juan ang utos ng matanda. Nagtungo siya sa isang sementeryo at naghintay ng ililibing. At sakto naman at may batang inihatid sa huling hantungan. Natulog muna siya sa gilid at hinintay na maka-alais ang pamilya nito. Nasa bangkay daw ang anting-anting. Nang magising ay dali-dali siyang nagpunta sa katawan ng npatay na bata, makalipas ang ilang sandali ay biglang bumangon ang mga bangkay na nasa sementeryo! Lahat sila, kasama na ang batang kanyang hinahanapan ng anting-anting. Kumaripas ng takbo si Juan papalayo sa mga bangkay ngunit hindi siya nakawala sa dami ng mga ito. Patago-tago pa siya sa likod ng mga puntod pero kinalaunan, lumaban din siya sa mga ito. Sinuntok at sinipa niya ang mga bangkay papalayo sa kanya; at nang malapit na siya sa labasan ng sementeryo ay patuloy-tuloy na siyang dumiretso sa kanilang bayan. At saka na lamang niya napag-tanto na hindi mo kailangan ng anting-anting para mapaibig mo ang gusto mong babae o maging malakas ka, ang kailangan mo lamang ay lakas ng loob. At mula noon, namuhay na siya ng matiwasay.

            Nakapaloob sa huling kuwento na kaya mong harapin ang kahit anong bagay para sa iyong minamahal. Kasama dito ang realidad na lakas ng loob at tiwala sa sarili ang kailangan para maging masaya sa buhay. Natakasan ni Juan ang takot niya para makuha ang anting-anting; hindi niya nga ito nakuha pero may napulot naman siyang mas magagamit niya pa sa kinabukasan, mga karanasan na maaari niyang ipagmalaki at hinding-hindi niya makakalimutan kalian man.

            Sa dulang aking napananood, kung saan nagkukuwento si Lola Basyang sa kanyang mga apo, mas naantig pa ako sa mga kuwento. Siguro dahil na rin sa musika na kasama sa pagpepresenta ng mga istorya. Sa mga kulay at sayaw na bumusog sa aking mga mata. Sa mga tauhang gumanap at nagbigay buhay sa kuwento sa entablado.

            Si Lola Basyang ay isang karakter na hinding-hindi maaring mawala mapapanitikan man yan o dula. Dahil dala niya sa kanyang mga kuwento ay ang mga aral, katangian, nakasanayan at kabutihan ng bawat isa sa atin. Kesyo iyan ay pag-ibig sa pamilya, pagpapatawad o pagtitiwala sa sarili. Nakaukit sa bawat kuwento ang tunay na buhay. Hinaluan lamang niya ng hiwaga at kulay upang ito ay maging mas masaya at para sa lahat.