TNB Stream of Consciousness

“Tila ba bagong specie guro sa 21st century.”

– Titser ng Bayan

Noong narinig ko ‘tong kantang ito sa dulang “Titser ng Bayan” napangiti ako. Hindi dahil napaka-galing ng sumulat ng dula at na-manage niyang maglagay ng iba’t-ibang genre ng music sa dula, kundi dahil ang ngiting iyon ay isang alternatibo para ipakita na sumasangayon ako sa statement ng kanta.

Alangan naman tumungo ako, ang weird naman nun, diba?

Para sa akin, kung titignan mo ang mga guro noon at mga guro ngayon, ibang-iba na talaga ang dalawa. Pareho ang propesyon, magkaiba ng uri. Paano? TUMINGIN KA NGA KASI OMG. De, joke lang.

Dati, panahon pa ni Rizal, ang mga guro ay parang mga tanga; masama, akala nila sila lang ang superyor, mapang-mata at kung ano-ano pang kasamaan ang taglay nila.

Ngayon, ang mga guro, lalo na sa elementarya at hayskul, alalang-alala na sila sa kanilang mga estudyante. ‘Anak’ pa nga ang tawag nila sa mga estudyante nila e.

Ngunit ngayon kolehiyo kaya? Kamusta na ang mga guro ng 21st century?

May ibang ganun din, tulad ng sa elem at HS, mabait, maalahanin sa estudyante. Pero iba e. Hindi sila kasing maaalahanin tulad ng mga dati naming mga guro. Gusto nila kaming turuan ng ‘independence.’ O sadya bang tamad lang silang mag-turo? Gusto nila kaming turuan ng ‘resourcefulness.’ O sadya bang wala silang maibigay samin na reference at maayos na instructions? Gusto nila kaming turuan ng ‘responsibility.’ O sadya bang bossy lang silang lahat?

Alam ko kasi, objective ang lahat ng bagay sa buong mundo. Nasa sa atin yan kung paano natin babasahin ang isang simpleng kilos ng isang tao. Hindi ito pagiging paranoid or judgmental.

Pagiging open minded ito.

Hindi tayo makukulong sa isang simpleng depinisyon ng isang bagay. Titignan natin ang kahulugan nito; ng mga ito. Tinignan nating and totoong kahulugan nito.

Paano nga ba talaga naging ibang specie ang mga gurong ito?

Bukod kasi sa pagtatapos ng Education sa kolehiyo. Tila baga nagtapos din sila ng iba pang mga kurso.

Education + Marketing = Titser na nagbebenta ng kung ano-ano. Mapa-silver man yan, Avon Products o kakanin. Meron sila lahat niyan. Ang iba pa nga e, required daw umorder sa kanila ng tone-toneladang handmade crafts.

Education + Theology = Titser na kahit anong ituro, mashi-shift at mashi-shift parin ang tinuturo nila sa Poong Maykapal. Hindi naman sa galit ako kay Hesus, kailangan po kasi talaga naming matuto ng kung ano naman talaga ang subject niya.

Education + Creative Writing = Titser na imbis lesson ang ituro, autobiography niya ata ang nailagay sa syllabus niya. Ewan ko ba. Funny and inspiring naman. Pero nga-nga estudyante kapag midterms na e.

Education + Behavioural Science = Ito naman ‘yung uri ng titser na kung sino ‘yung bida-bida, pasikat at epal sa klase, siya ang paborito niya. MAY GHAD. Favouritism, magsama kayon dalawa. ‘Wag kami, pls.

Education + Law = ‘Yung mga titser tila ba me pinaglalaban. At nakasalalay ditto ang buhay at dignidad nila sa pinaglalaban nila. Ito ang pinaka-ayaw kong uri ng titser. ‘Yun bang kahit mali sila e, nakooooooooooo, kahit na libro o Presidente ng Pilipinas sasabihin niyang mali kahit tama naman talaga sila.

 

Iilan pa lamang yang mga yan sa mga titster na mukhang me sapak sa mga ulo nila. Pero kahit anong mangyari, love ko parin sila. Kasi, nag-aattempt silang pasahan kami ng kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay.

Kung ibang specie na ang mga guro ng 21st century, siguro naman pati ang mga tinuturuan nila, mag-iiba din, hindi ba? Pwede. Pero ibang topic na ‘yun.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s