Bookslut#2: ABNKKBSNPLAKo?! (Bob Ong)

Image

“Minsan pala, kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka.”

– ABNKKBSNPLAKo?!  (Bob Ong)

Bilang isang taong nasa hayskul, masasabi kong halos lahat ng nandirito sa librong ito ay pawang katotohanan. Napaka-nostalgic ko noong binabasa ko ang nasabing libro. Katulad ng hell ang high school, makakabalik ka sa lugar, hindi sa panahon at ang pinaka-gusto ko sa lahat: sa kahit anong problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo — ang sarili mo. Habang nagbabasa ng libro, madalas kong nahuhuli ang sarili kong nakangiti. Naisip ko nga, siguro iniisp nila, baliw na ako.

Releyt na releyt ako sa librong ‘to. Bilang sa isang public school din ako nag-aral noong elementary. Maganda ang pagkaka-sulat. First person point of view, kwela siya at tatanungin mo sa sarili mo, ‘Kilala kaya ako neto?’ dahil kung alam na alam niya ang mga bagay na gumagalaw at nangyayri sa eskwelahan. Mula sa faculty, non-teaching personnel, kapwa estudyante, canteen ladies at kung ano-ano pa.

Dito ko din nalaman na ganun pala sa college, gag*han. Nakaka-kaba, nakaka-crack daw kasi ng pressure. Pero siguro naman, kakayanin ko un. Napaka-galing niyang takpan ng katatawanan ang kanyang mga kamalasan sa buhay nuong elementary hanggang hayskul. Pero noong medyo patapos na ang libro, ay tinanggal na niya ang masayang maskara at nagsimula na niyang ibuod ang kanyang paanaw at depenisyon ng BUHAY.

Makikita mo sa librong ito na ang buhay ay kayanag palipitin ng tadhana; at malakas din mang-trip ‘to. Nakapag-bibigay ito ng isnpirasyon pero sa nakaka-galak na paraan. Nakaka-tuwa ang libro dahil ibinahagi sa atin ni Bob Ong and kanyang mga kaisipan, totoo pero hindi seryoso.

Isa ang libro na ito sa mga paborito ko; pwede ko itong basahin ng paulit-ulit at hindi mag-sawa. Napaka-husay niyang tao para isulat ang librong ito na may ganitong tema. Salamat sa kanya at ang buhay natin ay nakita natin sa mas makulay na anggolo.

—-

Photo Source: http://browse.deviantart.com/?q=ABNKKBSNPLAKo#/d22ja9o

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s